This must end.

Kailangan ko nang tapusin ang kalokohang ito. Pasensya na sa mga napuno sa akin, di ko talaga sinasadya.

A few words to say.

Wednesday, April 2. Mataas ang araw na nagdudulot ng pagtagaktak ng pawis. Kaya’t bago pa lang magprusisyon ay para ka nang bagong ligo… sa pawis.

Ngayon, huling araw ko sa paaralang umahon sa akin sa lawa ng kamusmusan at muling nagpasisid sa akin sa dagat ng pagkalaki.

PROCESSIONAL

Ang pagtatapos. Tuluyan na nga ang aking pamamaalam sa paaralang iyon, sa mga gurong ginawa ang lahat upang hindi lang madagdagan ang aking karunungan ngunit lalo pang hubugin ang kagandahang asal at wastong pag-uugali. Kahit na ang mga iyo’y hindi gaanong tumalab sa akin, nakita ko naman kung paano maubos ang kanilang pasensya. Gayon na rin sa aking mga kamag-aralna kasama at kaakibat ko sa klase, recess, sermon, cutting classes (oi, di naman), pangongopya (oi, di naman din), lunch, recitation, daldalan, at kung anu-ano pang trip. Hindi ko sila malilimutan.

Kulang na kulang ang isang talata upang ihayag ang aking pamamaalam.

Kay sarap nga namang pakinggan ang matatamis na mga salitang “I confirm you graduates…” (Nasaan ang tassle ko??!)

Ate, nasa likod yung tassle mo.

(Akala ko, hindi na ako gagraduate… phew!)

CONGRATULATIONS!

*applause*

Kay sarap ding tanggapin ang inaasam-asam mong diploma. Nasa asul na lalagyan, nakabalot ng plastik, bigay ni Mayor Eusebio. Eto na ang 2-seconds-to-fame:

Ate, baliktad yung diploma mo…

(Aay, nakakahiya! Gagraduate na nga ako, puro kahiya-hiya pa ang mga nangyayari sa akin..!)

Nakakalungkot dahil iyon na rin ang huling pagkakataon upang awitin ang RHS Hymn.

Mga mag-araaaaal na dito nagmulaaaaa…

Dumakiiiiilaaa silaaaaa…

Mundooo’y kuuuumilaaaalaaaa…

‘Yan ay dahil sa mga guro nilaaaaa…

At sa paaralaaaaaang suloooo ng pagaaaaaasaaaaaa…

Nakakabingi ngunit nakakagaan ng loob ang paghihiyaw.

SA WAKAAAAAS!!! AFTER 400 YEARS, GRADUATE NA AKOOOOO!!!

RECESSIONAL

Tapos na ang Senior Blues. Bumenta nga ang blog na ito, pati na rin ang mga kalokohan ng gumawa nito. Ngunit marami pa ring naiiwang mga tanong:

Bakit Kuwentong Bughaw? Sino si Madre Gras? Bakit pinli niyang maging blogger kesa maging madre? Ano ang misteryo sa likod ng pumpkin cookie? Itutuloy pa ba niya ang blog na ito? O papasok siyang muli sa ibang katauhan at gagawa ng panibagong blog? Bibigyan kaya siya ng 95 o 96 sa Math para makapasok sa kursong gusto niya? Anong course niya? Saan siya mag-aaral? Magkano na kaya ang baon niya sa college? Saan na siya titira? at kung anu-ano pa ngunit…

+ABANGAN+

idle

Nakakatamad talagang mag-isip ng matinong post ngayon. Lalo pa’t hindi rin naman iyon bebenta.

Nakakainis. Gusto kong mag-iba ng course. Ang course kasing pinili ko ay pinili rin ng mga kaklase ko, at sa iisang unibersidad kami mamamasukan. Nako, makikita ko na naman sila! Ayoko na!

Nakakawili ang mga video na ito:

Alam kong pamilyar na kayo sa kanya. Kung kayo man ang nasa katayuan ng mga hurado, di kayo magdadalawang-isip na paalisin ang babaeng ito. Pero huwagka! May nagbigay pa sa kanya ng recording contract. Sa kakakanta niya ng “ken lee…” ay binansagan na siyang “Ken Lee.” Kung ang mga finalists ng iba’t ibang mga singing contests ay kailangan pang dumaan sa sari-saring elimination, training at kung anu-ano pa, ang babaeng ito na naghatid lang ng sakit ng ulo at tiyan sa lahat e instant recording artist na!

Isang hamon sa mga leadista! Kaya niyo yan? Galing no! Kaya ko yan… pakinggan. Hehehe… malabong magawa ko ang ganyan kabilis na paglilead.

An unexpected dilemma.

While I was checking my Yahoo! Messenger account, I saw a friend online. He has been my friend since second year but he has not been my classmate. I knew him because my friend introduced me to him.

He started a conversation.

Chris: PST
angelicamythica: baket
Chris: ANO GAWA MO NGAUN
Chris: NAG CHCHAT KA BA NGAUN
angelicamythica: d mxado
angelicamythica: hehehe
angelicamythica: anung batch ka po sa graduation
Chris: GROUP (A, B or C)
Chris: BAKIT POT
angelicamythica: batchmate!!!!
Chris: HEHEHE
angelicamythica: 😀
Chris: ANONG SECTION KA BA
angelicamythica: (any number ranges from 1 to 42)
BUZZ!!!
Chris: AH
Chris: alam mo may sasabihin ako sau
Chris: pde ba bako manligaw?? kac parang nahuhulog na ang loob ko sau eh 

What a horror! I was shocked when I read that message. But I answered anyway.

angelicamythica: hehehe…. anu daw?
Chris: ano po sagot nyo?
Chris: serious me promise
angelicamythica: nagjojoke ka na naman ha
Chris: di nga talaga
Chris: pag
angelicamythica: pag ano?
angelicamythica: kakikilala ko lang sau ha
angelicamythica: elow….
BUZZ!!!
Chris’ status is now “Idle”. (3/10/2008 8:04 PM)

angelicamythica: elow po

 SHOCKS! I didn’t expect that kind of conversation. Maybe he didn’t recognize me. OH MEN!!!

Graduation Practice Blues.

(Pasensya na sa mga nakapagbasa ng aking Russian post… iibahin ko na iyon.)

Inaasahan kong lively ang kantang “Today.” Kasi, pag graduation na, at farewell, maligaya ako. Hindi ko na kapiling ang mga kaklase ko. Yun pala, sobrang malumanay na parang pilit nitong pinalalabas ang luha sa aking mga mata.

Ako: …aym driming in da tuwalya…

Tugtog: Oi luha…. lalabas na….. lalabas na….. LALABAS NAAAAAAAA….!!!

Luha: Manigas ka! Ayaw akong i-secrete ni puso eh!

Ako: Perwel… skulmeyts… perwel!!! AY DOWANA SI YU AGEN!!!

Puso: Haay… nanahimik din si tugtog….

At sa ilang kanta at announcements ay nakalabas din ako sa oven ni Mam Cabug-os! (isang teacher sa Culinary Arts)

Next stop… Sa kuwartong kinaroroonan ng aming adviser. Habang ang ilan ay nagbabangayan, crine-create ko naman ang sarili kong mundo gamit ang aking imahinasyon. Ito ay mundong walang kapayakan, ang hinihinga ng bawat tao ay WALA. Ngunit malaya silang nakakagalaw sa vacuum. vaccum. vaccuum. vacumm. vaacum. vvacum. vvaaccuumm.

zzz…..zz…..z.zzz…..zzz….z.zzzz.z………zzz..zZZZZZZZZZZZZZP!!!

Nabali ang lahat ng ito nang inabot na sa’kin ang solo picture ko. Hahah. Makinis ang mukha ko sa picture.

Umuwi na ako agad nang mahupa ang tensyon. Gusto ko nang magpakasarap sa bahay at sulitin ang bawat oras na bakante. Siyempre, wala na akong ibang gagawin kundi matulog. matuulog. matuuuloog. maatuuuulooog. MAAATUUUUULOOOOOG…….

Salaysay ng isang estudyanteng magtatapos.

Bakit nga ba iba ang nararamdaman ko ngayon? imbes na 17 ay naging 43 muscles ang ginagamit ko ngayon. Naramdaman ko rin ang pagdagdag ng 3 kg sa aking timbang. Umonti na rin ang aking stored energy, tumanda ako ng 55 years at lalo pang namumuo ang kurba sa aking backbone. Pumuputi ang buhok ko.

Malungkot ngayon ang lola mo. Kahit na tapos na nila ang sandamukal na mga assignments, projects, atbp., may itinatanong pa rin siya sa sarili niya: NAGAWA KO BA ANG BEST KO?

Napansin ko kasi na (anu nga ba ulit yun?) ang mga kaklase ko (kabilang na ako) ay inatake ng katamaran sa mga araw na ito, bawat isa ay humihingi na ng diploma dahil tila sawang-sawa na silang mag-aral sa haiskul.

(autch, nawalan ako ng wisdom tooth, pero nakakapagsalita pa rin ako ng maayos) Naalala ko rin ang tambak ng mga kasalanan ko sa pangongopya, pagsisinungaling, pagka-cutting pagiging late, atbp. Ito ang mga gawaing nakukuha kong gawin dahil sa katamaran. Di ko man lang masyadong ang sipag at tiyaga, ang pagpupuyat at pag-aaral ng mabuti, Di ko man lang magawang labanan ang matinding antok at iwanang pansamantala ang mga libangan. Tinatamad ako, tinatamad ako, tinatamad akooooooooo!!! (ansakit ng likod ko!!!) Paulit-ulit ko na lang iyong idinidikta sa isip ko, kaya, nakuha na rin iyon ng ugali ko.

…lola, inom na po kayo ng gamot.

Ano? Pakiulit nga.

Inom na po kayo ng gamot.

Ano apo? Lakasan mo nga kasi yang boses mo.

INOM NA KAYO NG GAMOT!!! BINGI BA KAYO??!

Nakakalungkot dahil di man lang ako nakauwi ng bacon sa pamilya. Mataas ang expectation sa akin ng mga magulang ko, alam nilang mas matalino pa ako sa nakatatanda kong kapatid. Ayaw nilang limitahan ko lang ang sarili ko at lalo pang paunlarin ang aking talino? Ngunit ang pagpasok ko sa campus na iyon ay hindi ko man lang sineryoso. Hindi ako gaanong nagreview, dahil hindi ko iyon mahanapan ng panahon. Umasa na lang ako sa kaunting nareview ko at stock knowledge kong nabubulok na.

Sinayang ko rin ang opportunity na makapasok sa mga magagandang unibersidad. Ngayon, nanghihinayang ako.

Apo, salamin ko, pakihanap sa drawer.

(after 15 sec…) Lola, wala po.

Dun sa ibabaw ng mesa.

(after 10 sec…) Lola, wala rin po.

Apo, saan mo ba nilagay yun, *ubo* kasi, winala mo!!

Lola, bakit naman ako mananalamin?

Hanapin mo!!!

(after 30 mins…) Lola, wala nga po! Hinalughog ko na po ang buong bahay, WALA!!!

Nasaan ba kasi?

Lola, KAPIT NYO PO.

Ganun ba?

[Nakaratay na si Lola sa kama.]

Ano ba ang mga pinaggagagawa ko ngayon! Imbes na pagbutihan ko ay nagloko lang ako!

___-___-___–___-___–___

*ubo* Mamamatay man lang akong hindi nagsisipag at naging ka-friendster lang si Tamadeo! Kayong mga apo, salubungin niyo ang mundo… Makikita niyong wala nang estudyanteng papasa sa UP!!!

-___—___-‘-_________________________

kunwari, patay na…

Sandali kong iniwanan ang senior blues.

Ginamit ko ang saglit na panahon para sa pagmumuni-muni, pagsasaya, pagrerelax at pag-eenjoy.

Nakasama ko rin sa panahong iyon ang aking close friend at iba pang mga kaibigan.


Note

The Kuwentong Bughaw Wordpress blog is continually existing and cannot be terminated by any means except by the author. Kaya't hanggat may nagdadalamhati, tuloy ang ligaya!

Sa Aking Pighati

  • 2,105 ang nakikiramay