(Pasensya na sa mga nakapagbasa ng aking Russian post… iibahin ko na iyon.)
Inaasahan kong lively ang kantang “Today.” Kasi, pag graduation na, at farewell, maligaya ako. Hindi ko na kapiling ang mga kaklase ko. Yun pala, sobrang malumanay na parang pilit nitong pinalalabas ang luha sa aking mga mata.
Ako: …aym driming in da tuwalya…
Tugtog: Oi luha…. lalabas na….. lalabas na….. LALABAS NAAAAAAAA….!!!
Luha: Manigas ka! Ayaw akong i-secrete ni puso eh!
Ako: Perwel… skulmeyts… perwel!!! AY DOWANA SI YU AGEN!!!
Puso: Haay… nanahimik din si tugtog….
At sa ilang kanta at announcements ay nakalabas din ako sa oven ni Mam Cabug-os! (isang teacher sa Culinary Arts)
Next stop… Sa kuwartong kinaroroonan ng aming adviser. Habang ang ilan ay nagbabangayan, crine-create ko naman ang sarili kong mundo gamit ang aking imahinasyon. Ito ay mundong walang kapayakan, ang hinihinga ng bawat tao ay WALA. Ngunit malaya silang nakakagalaw sa vacuum. vaccum. vaccuum. vacumm. vaacum. vvacum. vvaaccuumm.
zzz…..zz…..z.zzz…..zzz….z.zzzz.z………zzz..zZZZZZZZZZZZZZP!!!
Nabali ang lahat ng ito nang inabot na sa’kin ang solo picture ko. Hahah. Makinis ang mukha ko sa picture.
Umuwi na ako agad nang mahupa ang tensyon. Gusto ko nang magpakasarap sa bahay at sulitin ang bawat oras na bakante. Siyempre, wala na akong ibang gagawin kundi matulog. matuulog. matuuuloog. maatuuuulooog. MAAATUUUUULOOOOOG…….
Sariwang-sariwa pa sa utak ko ang lyrics ng grad song na “Today”. wala lang.
Ay grabe ka. andrama mo.
nakakainis… dalawang beses na akong late sa practice…
Joanne:
kinanta nyo rin pala yun. ang taas ng tono ano… parang sinasakal ka lang.
chalkdust:
nilagyan ko lang iyon ng exaggeration. wala naman talgang kaiyakiyak sa kantang iyon. inaalala ko lang na baka may umiyak sa kantang iyon sa araw ng grad.
grace:
gumising ka kasi ng maaga.. palibhasa lagi kang late sa klase nyo.