Bakit nga ba iba ang nararamdaman ko ngayon? imbes na 17 ay naging 43 muscles ang ginagamit ko ngayon. Naramdaman ko rin ang pagdagdag ng 3 kg sa aking timbang. Umonti na rin ang aking stored energy, tumanda ako ng 55 years at lalo pang namumuo ang kurba sa aking backbone. Pumuputi ang buhok ko.
Malungkot ngayon ang lola mo. Kahit na tapos na nila ang sandamukal na mga assignments, projects, atbp., may itinatanong pa rin siya sa sarili niya: NAGAWA KO BA ANG BEST KO?
Napansin ko kasi na (anu nga ba ulit yun?) ang mga kaklase ko (kabilang na ako) ay inatake ng katamaran sa mga araw na ito, bawat isa ay humihingi na ng diploma dahil tila sawang-sawa na silang mag-aral sa haiskul.
(autch, nawalan ako ng wisdom tooth, pero nakakapagsalita pa rin ako ng maayos) Naalala ko rin ang tambak ng mga kasalanan ko sa pangongopya, pagsisinungaling, pagka-cutting pagiging late, atbp. Ito ang mga gawaing nakukuha kong gawin dahil sa katamaran. Di ko man lang masyadong ang sipag at tiyaga, ang pagpupuyat at pag-aaral ng mabuti, Di ko man lang magawang labanan ang matinding antok at iwanang pansamantala ang mga libangan. Tinatamad ako, tinatamad ako, tinatamad akooooooooo!!! (ansakit ng likod ko!!!) Paulit-ulit ko na lang iyong idinidikta sa isip ko, kaya, nakuha na rin iyon ng ugali ko.
…lola, inom na po kayo ng gamot.
Ano? Pakiulit nga.
Inom na po kayo ng gamot.
Ano apo? Lakasan mo nga kasi yang boses mo.
INOM NA KAYO NG GAMOT!!! BINGI BA KAYO??!
Nakakalungkot dahil di man lang ako nakauwi ng bacon sa pamilya. Mataas ang expectation sa akin ng mga magulang ko, alam nilang mas matalino pa ako sa nakatatanda kong kapatid. Ayaw nilang limitahan ko lang ang sarili ko at lalo pang paunlarin ang aking talino? Ngunit ang pagpasok ko sa campus na iyon ay hindi ko man lang sineryoso. Hindi ako gaanong nagreview, dahil hindi ko iyon mahanapan ng panahon. Umasa na lang ako sa kaunting nareview ko at stock knowledge kong nabubulok na.
Sinayang ko rin ang opportunity na makapasok sa mga magagandang unibersidad. Ngayon, nanghihinayang ako.
Apo, salamin ko, pakihanap sa drawer.
(after 15 sec…) Lola, wala po.
Dun sa ibabaw ng mesa.
(after 10 sec…) Lola, wala rin po.
Apo, saan mo ba nilagay yun, *ubo* kasi, winala mo!!
Lola, bakit naman ako mananalamin?
Hanapin mo!!!
(after 30 mins…) Lola, wala nga po! Hinalughog ko na po ang buong bahay, WALA!!!
Nasaan ba kasi?
Lola, KAPIT NYO PO.
Ganun ba?
[Nakaratay na si Lola sa kama.]
Ano ba ang mga pinaggagagawa ko ngayon! Imbes na pagbutihan ko ay nagloko lang ako!
___-___-___–___-___–___
*ubo* Mamamatay man lang akong hindi nagsisipag at naging ka-friendster lang si Tamadeo! Kayong mga apo, salubungin niyo ang mundo… Makikita niyong wala nang estudyanteng papasa sa UP!!!
-___—___-’-_________________________
kunwari, patay na…
Mga Sabat