Huhuhu!!! P 343 na lang ang laman ng aking kaban!!! Pa’no na ‘yan! Konting-konte na lang ang pera ko! E kailangan na kailangan ko pa naman ng P 2000! Yung P 700 dun, kailangan ko na sa Feb! Saan ako makakakita ng tig-P 500 na nakakalat sa daan na WALANG NAGMAMAY-ARI??!
Dahil mukha nang imposible (imposible talaga!) mangyari ang mga pinagsasasabi ko, mag-uumpisa na si Sen. Anghelika Garsya ng isang proyekto upang makalikom ng P 2000 o higit pa (syempre, pambili ng mga anik-anik). Ang
Mag-ipon ng Dalawanlibong Piso Campaign
Simula sa Jan. 28 ay maglalakad na siya pauwi (except pag gabi) at hindi na gagastusin ang baon niya. Maaari kang magbigay ng suporta sa proyektong ito sa pamamagitan ng mga ss:
-
Pagdodonate ng tsinelas na matibay at puwedeng isalang sa mahaba-habang lakaran
-
Pagbibigay ng kalahati ng baon mo o lunch para di naman siya magutom
-
Pagbibigay ng P 6 para di na siya maglakad pauwi
Susubukan pa sana niyang magbenta ng kung anu-ano (kendi, biskwit, mga bolpeng ubos o natuyo ang tinta, papel na gamit na, mga pinaglumaang damit, kidney [naku, wag naman]) kaso, nalaman niyang estudyante pala siya at hindi tindera.
MARAMING-MARAMING SALAMAT PO.
AABANGAN KITA SA LABAS NG GATE AT
HINDI KA MAKAKAUWI
HANGGA’T WALA AKONG NAHIHINGI
SA ‘YO.
Mga Sabat